๐๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐ก๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐ง๐ข ๐๐ฎ๐ญ๐๐ซ๐ญ๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฒ ๐4, ๐๐๐๐
Taksil sa Kalikasan! Taksil sa Bayan! | Pahayag ng GreenThumb Coalition (GTC) sa huling SONA ni Duterte Sa kanyang huling SONA sa darating na Hulyo 26, 2021, galit ang mga kilusang pangkalikasan kay Pangulong Duterte sa kanyang kabiguang protektahan ang kalikasan at tiyakin ang ligtas at maayos na ekolohiya para sa mga Pilipino.
Nangako si Duterte na magiging isang maka-kalikasang pangulo ng bansa, pero bigo sya na pigilan ang mapanirang pagmimina, pagsasayos ng gamit ng lupa at pangalagaan ang mga kagubatan at ilog.
Sa mga nakaraang taon, lalong pumalya ang gobyernong Duterte sa kanyang pag-ganap na isulong ang Green Agenda. Bagsak ang grado ni Duterte dahil sa (1) bigong ipatupad ang mga batas pangkalikasan; (2) i-regulate ang mga industriya na sumisira sa kalikasan; (3) pagkasalba ng mga panukalang batas na Green Bills tungkol sa pagmimina, sa kagubatan, ang National Land Use Act at pangangalaga ng mga katutubong lupa; at (4) paghahanda ng bansa sa mga epekto ng nagbabagong klima at ng pandemya.
Naway ang mga mapapait na araw ng COVID19 at ng nagbabagong-klima ay maging gabay sa lahat ng Plipino sa pagpili ng susunod nating mga lider sa 2022. #
Jaybee Garganera
Co-Convenor, Green Thumb Coalition (GTC)
nc@alyansatigilmina.net / (+63917) 5498218
Comments