top of page

ALYANSA TIGIL MINA NAGBIBIGAY PUGAY AT NAKIKIISA SA MGA KABABAIHAN LABAN SA GANID NA KAPITALISTA AT

Ang Alyansa Tigil Mina, alyansa ng mga komunidad na apektado ng pagmimina kasama ng mga sumosuportang grupo na lumalaban sa agresibong pagtutulak para sa malawakang pagmimina, ay kaisa sa kumikilala sa maraming kababaihang lumalaban para sa hustisya, sa kalayaan at makabuluhang pag-unlad!

Dagdag dito, tumatayo kami at nakikiisa sa pakikibaka para sa inyong mga karapatan at mga


karapatan ng mga hinaharap na henerasyon para sa isang maayos na mundo, laban sa lahat ng anyo ng pagsasamantala at pang-aapi na dulot ng kapitalismo at patriyarka.


Ipinaaabot namin ang aming pagpapahalaga at suporta sa lumalaking bilang ng mga kababaihang lider at human rights defenders sa mga lugar na apektadong ng pagmimina, na nagtataya ng kani-kanilang buhay para sa proteksyon ng kanilang mga lupain, mga bukid, tubig at kagubatan at mga komunidad. Sila ay nasa unahan ng mga protesta laban sa militarisasyon at mga ganid na korporasyon.


Bukod dito, kinokondena namin ang pagpatay sa katutubong babae at environmental lider na si Berta Caceres na pinaslang ilang araw lamang bago ang araw na ating ginugunita ngayon. Si Berta ay nanguna sa matagumpay at mapayapang kampanya ng mga katutubong Lenca upang mapigilan ang pagtatayo ng isa sa pinakamalaking dam sa buong mundo na kung saan manggagaling ang enerhiya o kuryente na magpapagana sa mga operasyon ng pagmimina sa Honduras. Ang kanyang kamatayan ay hindi nalalayo sa ating karanasan. Ang kanyang laban ay pareho sa laban ng kababaihan at komunidad sa iba’t ibang lalawigan.


Pinaninindigan namin ang pakikiisa sa mga kababaihang aktibista dito at sa iba’t ibang bansa na humahamon sa isang sistemang nagpapalala ng di pagkakapatay-pantay, kahirapan, patriyarka, at nagdudulot ng krisis sa klima na hinaharap natin ngayon.


Mabuhay ang mga kababaihan! Mabuhay ang bawat Pilipina!


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page