Statement of UNLAD-BLFFA in MacArthur, Leyte

UNLAD

Brenie Morcilla
Secretary General
UNLAD-BLFFA
MacArthur, Leyte

February 14, 2017

Happy Valentines mga kasama!

Batid natin lahat kung gaano kahalaga ang espesyal na araw na ito, ang araw ng mga puso.

Kung bakit ito ang pinili nating araw ng pagtitipon-tipon dito sa harap ng Department of Environment and Natural Resources? Dahil sa ang departamentong ito ay malaki ang kinalaman sa mga dinanas na pighati ng ating mga puso.

Ang departamentong ito ang nagbigay ng pahintulot upang minahin ang bayan ng MacArthur, Leyte.

Dahil sa pagmimina na iyon, nangamatay ang tone-toneladang isda sa Lake Bito, na sya nating ikinabubuhay.

At dahil sa nangyaring iyon, naranasan ng ating mga pamilya ang sumala sa oras dahil walang pagkain na mailapag sa hapag kainan.

Dahil sa mina, napakarami pa ng dinanas nating lahat na dumurog sa ating mga puso.

Subalit, sa araw na ito, iba na ang isinisigaw ng ating mga puso. Nais na nitong iwaksi ang naging mapait na karanasan ng kahapon. Ibig na nitong harapin ang nababanaagang liwanaag ng bukas.

Liwanag na nakita sa pamumuno ni DENR Secretary Regina Lopez. Siya ang bukod tangin naupo sa departamentong ito na may pusong tunay na nagpapahalaga sa kalikasan at mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *